Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Tuesday, October 25, 2005

Buzz Magasin -- November 2005

The Qpids Grand Finals is featured in the November 2005 issue of the Buzz Magasin.

Photo by Conrad Delfino



The caption reads:
The Winners. Tinangkilig ng kanilang mga fans ang mga kakilig-kilig na lovestory ng ating mga loveteams sa mga Qpids challenges.


The feature article is two pages long, with emphasis on the PawEl Loveteam.

Tuesday, September 27, 2005

News Stand Alert -- October 2005

The Qpids Final Four Loveteams are featured in an article in the October 2005 issue of Star Studio Magazine.



Grab your copies now!

Sunday, September 25, 2005

Qpids Grand Finals

CF's Note: Major spoilers ahead. Do not read if you want to watch this show firsthand.

------

Grand Finals Format

1. Show opening -- opening song number "Ewan Ko" by Soapdish, then they're joined by the Final 4 Loveteams to sing "Dito sa Puso Ko" (Rock version).

2. The Criteria. Anne and Luis explain the basis for selecting the Ultimate Loveteam.

3. Love Council is introduced: Direk Olive Lamasan, Direk Joey Reyes, Direk Lauren Dyogi

4. Live performances of the 4 loveteam theme songs in this order:
- Michael Cruz (Crazy for You),
- Sheryn Regis (Araw-Gabi),
- Mark Bautista (Kung Alam Mo Lang), and
- Nikki Bacolod (I'll Never Go)
while scenes or clips from each love team's story is aired.

6. Final four loveteams give their Final Messages and Gifts to each other in this order: JilWyn, JaRla, MhyZel, PawEl

7. Nikki Gil sings When you Find Your Voice as we look back on the past five Heartbreak Nights and see scenes from the PreFinals interviews

8. Love Council shares their feedback with the Final 4 loveteams

9. Winner of Voter's Choice award is announced

10. Winner of Ultimate Loveteam title is announced

__________

Grand Finals Scoring

1. Ultimate Loveteam is still decided based on 50% text/PLDT votes and 50% Love Council's score

2. The loveteam that receives the most votes receives the Voter's Choice award

3. The 50% Love Council votes considered kilig chemistry, acting chemistry, and loveteam potential.

----

Grand Finals Results

1. Ultimate Loveteam: PawEl

2. Voter's Choice: JaRla (41% of Votes)

Friday, September 23, 2005

Info on the QPIDS Grand Finals Episode

Ngayong Linggo, September 25, malalaman na rin sa wakas kung sino ang mananalong GRAND LOVETEAM sa first and only reality TV search on Philippine television, ang QPIDS.

Sino kaya sa tambalan nina Paw Diaz at Mikel Campos (PAWEL), Mhyco Aquino at Hazel Ann Mendoza (MHYZEL), Janus del Prado at Carla Loren (JARLA), at Jill Yulo at Alwyn Uytingco (JILWYN) ang magwawagi sa puso ng mga manonood at ng Final Love Council na kinabibilangan ng ABS-CBN management? Siguradong lahat aabangan yan sa Qpids, pagkatapos ng ASAP Fanatic sa ABS-CBN.

The Qpids Finals will be hosted by the Kampanerang Kuba loveteam na sina Anne Curtis at Luis Manzano with special performances by Mark Bautista, Nikki Bacolod, Michael Cruz, Nikki Gil, Soapdish, at Sheryn Regis.

Ang Qpids ay masasabi na ring groundbreaking show on Philippine television sa pagiging kauna-unahan at kaisa-isang reality loveteam search ng bansa. Sa loob ng limang buwan, tayo ay pinakilig, pinaiyak at pinatawa ng mga 18 Prince Charmings at 9 Love Princesses hanggang sa sila ay naging 9 loveteams at ngayon ay Final 4 loveteams na lang.

Siyempre proud ang lahat ng cast and staff sa programang ito dahil kung tutuusin, hanggang 10 weeks lang dapat ang binigay na timeline ng ABS-CBN management para sa show. Pero dahil sa overwhelming support ng mga tao, na-extend ito at umabot ng 19 weeks. Kaya taos pusong pasasalamat ng bumubuo ng show sa lahat ng mga tagahanga ng Qpids.

----

FINAL FOUR LOVETEAM, PAWEL. Ang tambalang Paw Diaz at Mikel Campos na siguro ang tinatawag na “most beautiful” loveteam sa Final 4, ayon na rin sa description ng mga dating love council members during the Qpids’ Elimination Specials. Pero alam nyo ba na ito palang dalawang ‘to ay hindi nag-iimikan noong mga unang araw nila bilang magka loveteam? Naaangasan raw kasi si Paw kay Mikel habang nahihiya naman ang binata sa nauna. Pero nagbago ang lahat ng minsan mag show sila sa Cagayan De Oro at na-inspire sila sa dami ng mga taong sumusuporta sa kanila. Para sa mga fans, naisipan nilang kailangan nilang patatagin ang kanilang samahan para na rin sa ikakabuti nila. Mula noon, hindi na napapaghiwalay ang dalawa. Very promising ang loveteam na ito para sa amin because they definitely have the looks to be the next leading actor and actress. Sa ngayon, abala ang dalawa sa shooting ng Star Cinema movie na All About Love where they are cast members. Frequent guest din si Mikel Campos sa My Juan and Only kung saan regular si Paw Diaz. Dahil nga pala sa Qpids kinuha si Mikel para sa isang ngayo’y sobrang sikat nang shampoo commercial.

----

FINAL FOUR LOVETEAM, JILWYN. Kakaiba ang naging love story nina Jill Yulo at Alwyn Uytingco. Magkasama na ang dalawa noon sa Sarah The Teen Princess pero hindi nag-uusap ang dalawa. Maging sa mga first few weeks ng Qpids ay ayaw rin nila sa isa’t isa. Siguro ay dahil meron pang girlfriend noon si Alwyn at si Jill naman ay may gusto kay Carlo Aquino. Pero sabi nga nila, love moves in mysterious ways dahil noong naospital si Jill dahil sa isang aksidente caused by a dance stunt na ginawa niya sa ASAP Fanatic, bigla nalang na-realize ni Alwyn na hindi pala niya kayang makita si Jill na nahihirapan. Little does he know na may special feelings na pala siya para sa dalaga. Because of their looks, sinasabing next Jericho at Kristine raw itong sina Jill at Alwyn and with their talents, sigurado kaming hindi malayong marating nila yun. Talaga ngang malaki ang potensyal ng loveteam ng dating child actor now certified matinee idol Alwyn Uytingco at ang dating kontrabida pero ngayon ay bida nang si Jill Yulo.

----

FINAL FOUR LOVETEAM, MHYZEL. Isa siguro sa matatawag na success story ng Qpids ang tambalang Mhyco Aquino at Hazel Ann Mendoza. Kahit hindi pa tapos ang Qpids, kasama na ang dalawa sa upcoming ABS-CBN teleserye na Gulong ng Palad, patunay lang na nakikitaan ng ABS-CBN management ng malaking potensyal ang loveteam nila. Pero alam nyo ba na kahit sobrang close na ang dalawa, hindi pa rin nawawala ang selos ni Hazel sa dating ka-love triangle nila ni Mhyco sa Qpids na ang baguhang si Andrea Torres? Mga isang linggo ring hindi nag-usap ang dalawa mula ng nagkatampuhan dahil sa selos ni Hazel sa nakita nyang parasailing date nina Mhyco at Andrea sa isa sa mga past episodes ng Qpids. Pero ngayon ay okay na sila at going very strong na rin ang kanilang tandem. Sinasabing sila ang pinakamasa among the FINAL 4 loveteams at ang magiging next Juday at Wowie especially ngayong cast members sila ng isang upcoming afternoon teleserye.

----

FINAL FOUR LOVETEAM, JARLA. Nakakaantig ang ibinunyag ni Carla Loren ng Qpids na meron palang isang batang umiidolo sa kanya na namatay dahil sa kumplikasyon sa kidney. Naiyak si Carla habang kinikwento na ang tanging hiling lang ng bata sa kanya ay ang maibati niya ito sa telebisyon at hindi niya ito naitupad dahil pumanaw na nga ang bata bago pa man siya nagkaroon ng pagkakatong mabati ito. Super thankful naman ang kanyang ka-“labsteam” na si Janus sa Qpids dahil dito nadiscover ng mga tao ang kanyang comedic skills. Dati kasi ay kilala lang itong si Janus bilang serious dramatic actor. Ang tambalan nina Janus at Carla ang sinasabing next Maricel at William. Isa rin sila sa pinakapopular na loveteams sa Final 4 sa pagiging consistently high in the audience votes.

----

QPIDS LOVE INTRIGA. Hindi lang pala sa reel life nabuo ang love stories ng Qpids kundi pati sa real life rin. Sa loob ng limang buwan ng taping ng Qpids, nagkadevelopan na rin sa isa’t isa ang ibang cast members mula ordinary friendship to being special friends.

Sa Qpids unang inamin ng hosts na sina Luis Manzano at Anne Curtis na naging sila dati for 3 months. Dun nga nagsimula ang tawagan nila ng Nippy at Manzano sa isa’t isa. Dahil sa Qpids nabuo at nakilala ang tambalan nina Luis at Anne na ngayon ay sikat na sikat na bilang tambalang Pablo at Imang sa toprating show na Kampanerang Kuba. Mayroon na rin silang pelikula ngayon sa Star Cinema na tentatively titled All About Love.

Sa Qpids rin nagkakilala at nagka developan sina Karel Marquez at Gabb Drilon. Inamin naman ni Gabb na dati pa nyang crush si Karel kaya nung sila ay naging official loveteam, sobrang happy ang binata. Through Qpids, naging leading man ni Karel si Gabb sa music video ng kanyang hit song “Pangarap Ka” na included sa Singles Album ng Star Records. Ito rin ang theme song ng koreanobelang “Oh Feel Young” na pinapalabas ngayon sa ABS-CBN bago mag Home Boy.

Sa Qpids rin unang nakilala ng publiko ang mga gwapitong kambal ng beteranong si Bembol Roco na sina Dominic at Felix Roco, two of the most promising young actors and favorite cover boys ng mga teen magazines ngayon. Naging miyembro rin sila ng Star Circle Batch 13 after mai-launch sa Qpids. Balita nami’y naging mag-MU sina Felix Roco at ang kanyang ka loveteam na si Isabel Blaesi dahil sa show na to.

Proud rin ang Qpids sa mga naging cast members nito na talagang umuusbong ang mga career ngayon. Kasama na rito sina Vanessa Gomez na ngayon ay cast member na ng Panday, talented and promising young actress Pauleen Luna, si Isabel Blaesi na balita namin ay papasok na rin sa Vietnam Rose, at ang mga talented young actors na sina John Wayne Sace at Carlo Aquino.