Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Sunday, April 17, 2005

Abante Tonite Feature Article

Originally published in Abante Tonite
Image hosted by Photobucket.com

QPIDS’ love princesses (clockwise from left): Jill Yulo, Paw Diaz, Isabel Blaesi, Andrea Torres, Hazel Ann Mendoza, Pauleen Luna, Karel Marquez, Vanessa Gomez, Carla Humphries.

Let the loventure begin!

Tapos na ang Valentine season pero muling aapaw ng kilig ngayong tag-araw dahil malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang Qpids, ang bagong reality tale in search for the country’s next hottest love team.

Mula sa konsepto ng direktor na si Laurenti Dyogi, tutulungan ng Qpids ang siyam na ‘love princesses’ upang mahanap ang mga lalaking magpapatibok ng mga puso nila.

Dahil sa iba’t ibang makukulay at mala-fairy tale na romantic adventures o ‘LOVEntures’ na kanilang pagdadaanan, hindi malayong magkamabutihan ang mga loveteam maging sa likod ng camera.

Tampok dito ang young celebrities na sina Karel Marquez, Pauleen Luna, Hazel Ann Mendoza, Jill Yulo, Paw Diaz, Vanessa Gomez (Vanessa Grindrud), Carla Loren (Carla Humphries), Isabel Blaesi at Andrea Torres.

Ang prince charmings na maglalaban-laban para sa kanilang mga puso ay sina John Wayne Sace, Carlo Aquino, Mhyco Aquino, Mikel Campos, Alywn Uytingco, Janus del Prado, TJ Ramos, Aaron Concepcion, Marc Acueza, Marc Butler, Dominic Roco, Felix Roco, Michael Agassi, Cholo Barretto, Gian Carlos Castro, Timmy Boy Sta. Maria, Marc Cortez, at Gabb Drilon.

Si Jon Ilagan ang magdidirek ng show, at sina Anne Curtis at Luis Manzano ang magho-host.

Dahil ibang ka-summer ang Kapamilya, pakikiligin kayo ng ABS-CBN sa Qpids.

So, let the loventure begin!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home