Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Thursday, April 28, 2005

Freeze artists ng ABS-CBN inilantad ni direk Lauren

Originally published by People's Tonight

e-talk
by Beth Gelena

MAPAPANOOD na sa May 2 ang reality search show ng ABS-CBN, ang Qpids. Valentines in May, kumbaga, dahil mga love princess ng Star Magic ang maglalaban na sina Karel Marquez, Pauleen Luna, Hazel Ann Mendoza, Jill Yulo, Paw Diaz, Vanessa Gomez, Carla Humpries Loren, Isabel Blaesi at Andrea Torres.

Ang mga kupidong pagpipilian ng mga love princess ay sina John Wayne Sace, Carlo Aquino, Mhyco Aquino, Mikel Campos, Alwyn Uytingco, Janus del Prado, TJ Ramos, Aaron Concepcion, Marc Acueza, Marc Butlet, Dominic Roco, Felix Roco, Michael Agassi, Cholo Barretto, Gian Carlos Castro, Timmy Boy Sta. Maria, Marc Cortez at Gabb Drilon.

Kay direk Laurenti Dyogi galing ang konsepto ng Qpids. Objective niyang makabuo ng another loveteam para sa home studio sa pamamagitan ng pagpili na nagmumula sa mga manonood at hindi ang management ang nagbuo.

Naisip ni direk na dapat ding bigyan ng break ang ibang talent ng Star Magic na matagal ng artista pero wala namang exposure ang mga ito.

Maganda ang naisip ng direktor at youngest business executive ng Dos dahil kitang-kita sa mukha ng mga young star ang kasiyahan sa mukha ng humarap ang mga ito sa press people.

Ang maglalaban na nine love princess na makakahanap ng kanilang ka-loveteam ay magiging lima o apat na loveteam hanggang makapili ng isang mananalong loveteam. Sa pamamagitan ng text votes, ay magkakaalaman kung sino ang susunod na loveteam ng ABS-CBN.

One season lang ang itatagal ng reality search program. Sina Anne Curtis at Luis Manzano ang siyang hosts at direktor naman si Jon Ilagan.

Walang ipinangakong kung anumang cash prize or something si direk Lauren kundi stardom ang premyong makukuha ng mananalo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home