Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Sunday, June 05, 2005

Qpids changes timeslot to cater to target audience

Originally published on People's Tonight
June 5, 2005
by NITZ MIRALLES

Simula bukas, maaga nang mapapanood ang QPIDS ng ABS-CBN. Inilipat siya sa afternoon slot at mapapanood bago ang TV Patrol World. Pagbibigay ito ng network sa maraming request na ilagay ang show sa mas maagang time slot.

Mas exciting ang mga susunod na episode ng reality show na naghahanap ng perfect love team dahil malapit nang mapili ang nine love teams na maglalaban-laban. Kaya naman, todo hirap ang LOVEntures na kailangang harapin ng mga pretty princesses at guwapong prince charmings.

-------

Originally published on Abante ONLINE
Alfie Lorenzo

Sa ABS-CBN naman, marami raw ang humihiling na ilipat ang pinaka-latest reality search nila, ang QPIDS, sa mas maagang timeslot. Medyo late na nga raw kasi ang 9:30pm para sa mga bagets.

Well, eto na at matutupad na ang inyong wish! Simula ngayong Lunes, June 6, mapapanood na ang QPIDS bago mag TV Patrol World! Hindi raw kataka-taka na maraming sumusubaybay ng QPIDS dahil iba raw at bago ang concept nito.

Siyanga pala, palapit nang palapit ang pilian para sa 9 loveteams. Todo ang hirap ng mga bagets sa mga LOVEntures na kailangan nilang ma-accomplish.

....

Many thanks to Leikela_Joy for posting these on the Qpids thread at PinoyExchange.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home