Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Wednesday, April 20, 2005

Qpids feature on Abante Tonite

Originally posted on Abante Tonite

Wanted: Mga tunay na lalake para sa mga prinsesa ng Dos!
by Dondon Sermino
Abante Tonite
April 20, 2005

Sina Pauleen Luna, Karel Marquez, Paw Diaz, Jill Yulo, Carla Humphries Loren, Vanessa Lorraine Gomez, Hazel Ann Mendoza, Andrea Torres at Isabel Blaesi ang mga itinuturing na love princesses ng ABS-CBN 2.

Sila ang mga dalaga ng Dos na naghahanap o ihinahanap ng mga lalakeng makakasama sa harap ng kamera para sa mga susunod nilang show.

Si Pauleen, hanap niya sa isang ka-date ay ‘yung makakasama niyang kumain sa isang plato.

Si Karel naman, turn on siya sa mga guys na loyal, understanding, caring at malinis ang mga paa at mga kamay.

Si Paw, hindi raw siya maselan at game na game at palaging naka-smile.

Si Jill Yulo, type niya ang mahusay sumayaw tumugtog ng gitara, at siyempre, madasalin din na tulad niya, na kahit naliligo ay nagdarasal.

Si Carla ay okey na okey sa mga lalakeng matalino at sweet.

Feel naman ni Vanessa ang mga lalakeng dadalhin siya sa yatch at kakantahan siya at bibigyan ng maraming bulaklak.

Ang mga lalakeng naninigarilyo naman ang hate na hate ni Hazel.

Respeto naman ang hinihingi ni Andrea sa makaka-loveteam niya. At si Isabel Blaesi naman, feel niyang makasayaw ang lalakeng makaka-date niya kahit walang tugtog.

Well, kung sa tingin niyo ay karapat-dapat kayo sa mga babaeng ito, ngayon pa lang ay simulan na ang pagpapakitang-gilas sa kanila, dahil malay niyo, kayo ang mapili nilang makasama sa likod at labas ng kamera, ‘di ba?

Anyway, hindi naman kayo lugi sa kanila, dahil puro magaganda at mababango ang mga prinsesang ito ng Dos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home