Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Wednesday, April 20, 2005

Qpids feature on Pilipino Star

Many thanks to james_chicago for posting this at the Qpids thread on PEx...

NAGHAHANAP NG KA-LOVETEAM
SANGA-SANGANDILA
Ni Veronica R. Samio
Originally published by Pilipino STAR Ngayon
April 20, 2005

Mayro’n na namang bagong palabas ang ABS-CBN, ang QPIDS, isang reality show na magtatampok sa siyam sa pinaka-bagong young actresses. Sa show hahanapin ng 9 ang pinaka-bagay na makaka-tandem nila. Magsisimula ang QPIDS sa Mayo 2 sa direksyon ni Laurenti Dyogi.

1) PAULEEN LUNA, napansin ng husto sa fantaseryeng Marina. Tinanghal na Best New Female TV Personality sa Star Awards at kasalukuyang napapanood sa sitcom na Bora. Gusto niyang ka-loveteam yung gentlemanly at caring. Very romantic para sa kanya yung kakain sila ng ka-date niya sa isang plato lamang habang nagdi-date sila sa beach.

2) KAREL MARQUEZ, isang VJ ng MYX at napanood na sa maraming palabas ng ABS CBN. Nagsimula maging product endorser sa edad na dalawa ng Farlin Baby Products. Gusto niya sa lalaki yung may malinis na kamay at paa. Romantic na sa kanya yung maka-candle-lit dinner ng isang guy.

3) PAW DIAZ, nagsimula sa Star Circle Quest at ngayon ay napapanood na sa MRS, ASAP, Yes, Yes Show. Sa kabila ng kanyang sultry looks, ginulat niya ang marami nang magpakita siya ng husay sa comedy.

4) JILL YULO, nagsimula sa mga TV commercial at pagkatapos ay naging member ng Star Circle Quest Batch 11. Matatandaan siya bilang kontrabida sa Sarah, The Teen Princess. Type niya ang isang guy na marunong mag-gitara at sumayaw. Madasalin siya. Kahit naliligo ay nagdarasal siya.

5). CARLA HUMPHRIES LOREN, idol niya sina Judy Ann, Vilma at Maricel. Hanap niyang loveteam yung sweet, charming at matalino. Pangarap niyang maging lead sa isang serye at makapag-perform sa Araneta Coliseum.

6). VANESSA LORRAINE GOMEZ, mata niya ang best assets niya. Nakasama siya sa SCNTQ’s Magic Circle of 15 at kasama siya sa SCQ Reload, OK Ako. Gusto niya ng mga guys na may sense of humor, sweet, caring at honest. Pinaka-romantic na sa kanya yung kantahan siya ng isang guy ng isang awitin na ito mismo ang nag-compose. Dream date niya ang isang romantic dinner sa isang yacht na may music, flowers at puno ng sorpresa.

7). HAZEL ANN MENDOZA, naging mainstay ng Berks, Ang TV at Pangako Sa ‘Yo. Dream niya ang maging isang drama princess. Hate niya ang mga smokers, sinungaling at inggitera. Dream date niya ang isang candle-lit dinner sa beach basta walang sisig.

8) ANDREA TORRES, pinakabago sa showbiz. naghahanap ng makaka-loveteam na rerespetuhin siya at dapat, professional. Hilig niyang sumayaw at umarte sa harap ng salamin. Dream date din niya ay sa isang beach, sunset at with a guy na sosorpresahin siya ng roses.

9) ISABEL BLAESI, produkto ng Basic Acting and Dance Workshops ng ABSCBN. Half-Swiss at half-Pinoy na takot sa multo, ipis at malalaking aso. Madali itong umiyak, very sensitive at obsessive-compulsive, pangarap niyang magkaroon ng sariling tiangge ng damit.

Ang siyam na ito ay pawang nasa kasibulan, may edad na wala pang beynte at nagpakita na ng potensyal hindi lamang sa larangan ng pag-arte kundi sa lahat ng aspeto na may kinalaman sa pag-aartista. Inaasahan na sa bagong palabas ng ABS-CBN ay lalo pang mamumukadkad ang kanilang career, at makakapili ng makakapareha nila na makakasama nila sa kanilang pag-angat bilang mga artista.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home