Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Saturday, April 30, 2005

Qpids in Flores de Mayo

Originally published on Abante Tonite.
by: Billy Balbastro

Bukas ay Mayo na at panahon na ng Flores de Mayo at Santacruzan. Isang Flores de Mayo ang sasalihan bukas ng mga artista ng ABS-CBN Star Magic.

Magsisimula sila sa Rajah Sulayman ng 4:00 PM at pupunta ang procession sa Puerta Real Gardens sa Intramuros.

Ito ang unang handog ng Star Magic sa kanilang 13th year anniversary. Ang taunang Flores de Mayo ay project ng City of Manila, Department of Tourism at Fashion Designers Association of the Philippines.

Tampok dito ang stars ng QPIDS at pinangungunahan sila ni Kristine Hermosa.

Bilang bahagi pa rin 13th anniversary celebration ng ABS-CBN Star Magic, bukas sa ASAP '05 na live sa Cebu ay may dalawang special numbers sila.

Una, ang sexy dance ng mga Star Magic artists na sina Andrea del Rosario, Katya Santos, Gem Ramos at Jenny Miller kasama ang GpForce.

Pangalawa, ang high energy dance ng grupong Anime nina Mico Aytona, John Wayne Sace, Mhyco Aquino, Rayver Cruz, Sergio Garcia, Rodjun Cruz at Emman Abeleda.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home