Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Wednesday, May 04, 2005

Matira ang Matibay sa Qpids

Excerpt from an article originally published by Taliba.
by Letty Celi

Image hosted by Photobucket.com SIYAM na magagandang young talents ng Star Magic ang maglalaban-laban sa bagong reality show ng ABS-CBN na nagsimula na nitong Lunes (May 9), with Luis Manzano and Anne Curtis bilang host.

Ang bagong programa ay may pamagat na Qpids at ang 9 girls na kasama ay ihahanap ng mga prince charming na siyang magiging ka-love team nila. Of course, loveteam din sila sa mga show na ipapa-labas sa Channel 2.

In other words, tulad din ng SCQ, Star In A Million at iba pang reality shows ng ABS-CBN ang gagawing procedure sa Qpids. Sa text votes ng mga texter ibabase kung mananalo o malo-lost ang maglalaban-labang love teams.

Mayroong mahihi-rap na series of tests na daraanan ang bawat isa na magiging hamon sa kanila. Kung sinong loveteam ang ang magtatagumpay sa bawat pagsubok, 'yon ang may chance na iboto ng fans.

Ang mga love princess na kasali sa Qpids ay sina Jill Yulo, Karel Marquez, Pauleen Luna, Hazel Ann Mendoza, Paw Diaz, Vanessa Gomez, Carla Loren, Isabel Blaesi at Andrea Torres.

Labing-apat na kalalakihan naman ang kasali. Sa kanila pipili ng prince charming ang mga love princess. At katulad nga ng palaging sinasabi sa mga ganitong reality show, mas maraming vote, mas malaki ang chance na manalo ang paborito ninyong pair.

Concept pala ito ni Direk Laurenti Dyogi at sila ni Jon Ilagan ang magkatulong sa pagdidirek ng Qpids.

* * * * * *

MAS maraming guys ang magkakatunggali sa Qpids.

Sila ay sina Carlo Aquino, John Wayne Sace, Mhyco Aquino, Mikel Campos, Alwyn Uytingco, Jannus del Prado, TJ Ramos, Aaron Concepcion, Marc Al-queza, Marc Butler, Dominic and Felix Roco (twin son of Bembol Ro-co), Michael Agassi, Cholo Barretto, Gian Carlos Castro, TimmyBoy Sta. Maria, Marc Cortez and Gabb Drilon.

Pero, hindi komo't showbiz personalities na rin sila, eh, hindi na sila matsutsugi sa kumpetisyong ito. Matira ang matibay rito!

1 Comments:

  • At 24/5/05 1:32 PM, Anonymous Anonymous said…

    HI!!!im d first one.....heheheheh!!kakakilig tlga ang qpids...!!!ng eenjy tlga ako,lalo n cgro pag c Paw at carlo ang magkatuluyan!!hay,,,grabe tlga!!bgy n bgy tlga cla!!alm k kcng tinamaan n cla s isa't isa..!!cg n pls!!cla nlng dlwa...cte kc nlng dlawa!!!PAW-CARL 4LIFE...........

     

Post a Comment

<< Home