Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Wednesday, May 04, 2005

Malapit nang ipalabas ang Qpids

Originally published by Abante Tonite.
By Billy Balbastro

Pati ang love at romance department ay may reality show na. Malapit nang ipalabas ng ABS-CBN ang kanilang Qpids.

Pinag-aksayahan nila ito ng time at imagination. Sa simula pa lang, many were considered. Mahigpit ang screening, ang discussion at evaluation ng bawat personality entered.

May Siyam na Love Princesses sila — sina Isabel Blaesi, Andrea Torres, Carla Loren, Vanessa Gomez, Karel Marquez, Pauleen Luna, Hazel Ann Mendoza, Jill Yulo at Paw Diaz.

Pipiliin ang kanilang mga Prince Charming sa grupo nina Carlo Aquino, Mikel Campos, John Wayne Sace, Alwyn Uytingco, Janus del Prado, TJ Ramos, Dominic at Felix Roco, Michael Agassi, Marc Cortez, Marc Acuerza, Gab Drilon at Aaron Concepcion.

Who gets who in the end? Ito ang mangyayari sa Qpids na dinidirek nina Jon Ilagan at Laurente Dyogi.

Pagkatapos na may prince charming na ang girls, the televiewers takeover. Text votes na ang mahalaga. Ang winner will be the next love team na bibildapin ng ABS-CBN.

Naka-schedule dapat ang simula ng airing nito noong Lunes (Mayo 2) pero totoo ba ang rumor na hindi natapos ang final pilot episode nito?

Sabi ng isang insider, hindi na-impress ang big bosses ng Dos sa unang episode ng show kaya sinabihan ang mga director nito na lalo nilang pagagandahin ito to make the show "worth waiting and watching for."

Malamang, ang initial airing nito ay sa Lunes (Mayo 9) na. By that time "lalong magandang show" na ang mapapanood natin.

1 Comments:

  • At 11/5/05 6:08 PM, Anonymous sicnarf said…

    well, sana dalian ang pagpapalabas neto at wag lang po sa primetime.. di bagay eh!

     

Post a Comment

<< Home