Qpids - Tatamaan ka na!

Information, news, photos, and other tidbits about the ABS-CBN reality show Qpids!
Important Notice: this site is maintained by fans and is not affiliated with ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Saturday, May 14, 2005

Tatlong araw na materyal ng 'Qpids' nabura!

by: Julie Bonifacio
of People's Journal

Dinalaw ni direk Edgar 'Bobot" Mortiz at ABS-CBN executive na si Linggit Tan ang child stars ng Mga Anghel na Walang Langit, ang pinag-uusapan at tinututukan ngayong soap opera gabi-gabi sa Channel 2 pagkatapos ng TV Patrol World.

Si direk Bobot ang nag-suggest sa management na gumawa ng pambatang soap opera after watching Wowowee.

"Na-inspire ako sa mga kuwento ng mga batang nagtatrabaho at kinuha sa kalye ng staff ng programa. Gaya na lang nu'ng isang bata na galing ng probinsya na lumuwas ng Maynila para magtrabaho. 'Yung kinikita niya rito, eh, pinadadala niya sa probinsya para sa mga mas batang kapatid niya," lahad ni direk Bobot.

'Miracle show' naman ang tawag ni Linggit sa MANWL dahil they were given only 10 days to mount the program.

Pinasulat agad ni Charo Santos Concio ang script dahil 'di pumuwede ang Qpids, na supposed to be mag-e-ere nu'ng May 9.

"Naburahan ng tatlong araw na material ang Qpids. Human error talaga. Siguro pagod na rin talaga 'yung editor. Para gawin lahat 'yun, it will take more days kesa sa mag-shoot ng isang soap.

"Lahat ng possible, nangyari sa MANWL. Bata pa lang ako paborito ko na 'yun. Noon pa namin prinu-propose kay Ma'm Charo, pero sabi niya gawin naming araw-araw ang Goin' Bulilit. Sabi ko, mahirap gumawa ng comedy na pang-araw-araw. Sabi ko, eto na lang."

Nu'ng una'y nag-alangan sila sa pagkuha ng title since pag-aari ito ng FPJ Productions at exclusive writer nina Ronnie at Susan si Pablo Gomez, na sumulat ng kuwento, dahil sa nangyari with ABS-CBN and the movie queen.

So, may nag-suggest na baguhin ang title at gawin itong Mga Anghel sa Lansangan.

Natuwa sina Linggit nu'ng pumayag na si Susan na gamitin nila ang titulo at kuwento, kaya agad-agad ay nag-taping sila for the show na umere lang nu'ng Lunes and yet napaka-promising agad ng dating sa rating.

In fact, malaking audience share ang kinain ng MANWL kung kaya't malaki ang ibinaba sa rating ng katapat na show na kabilang network. At dahil d'yan, agad na nagkaroon ng reformat ang primetime programming ng GMA-7.

And speaking of Susan, plano ng director ng show na si Maryo J. delos Reyes na kunin ang biyuda ni FPJ for the show, but as usual, ayaw muna nilang i-divulge ang lahat ng plano.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home